VISA and Immigrant Resources - Tagalog Language

Nangangako ang Seattle City Attorney's Office na poprotektahan at paglilingkuran ang lahat ng biktima ng krimen, kahit ano pa ang citizenship status, dokumentasyon o kakayahan sa wika. May patakaran ang Lungsod ng Seattle na hindi obligahin ang sinumang taong humihingi ng mga serbisyo na isiwalat ang kanilang immigration status.

Tungkol sa mga VISA para mga Imigranteng Biktima ng Krimen

Kung kayo ay biktima ng krimen, maaaring karapat-dapat kayong mag-apply para sa mga partikular na immigration visa na tinatawag na U o T visa. Pinoprotektahan ng mga visa na ito ang mga biktima ng mga partikular na krimen na tumutulong sa tagapagpatupad ng batas sa pag-iimbestiga sa mga naturang krimen. Nagbibigay ang mga T-Visa ng mga benepisyo sa imigrasyon sa mga biktima ng trafficking. Maaaring ibigay ng kapwa U at T visa ang:                        

• Temporaryong immigration status                        

• Access sa work permit                        

• Pagkakataon na mag-apply para sa permanent residence (kilala bilang green card) para sa mga visa holder at mga miyembro ng kanilang pamilya                        

• Access sa cash na tulong, Medicaid, Social Security number, lisensiya sa pagmamaneho, at sari-saring pampublikong benepisyo

Alamin ang higit pa tungkol sa mga U Visa

Alamin ang higit pa tungkol sa mga T Visa

Dahil mahalaga ang anumang pagbabago sa inyong immigration status, iminumungkahi namin na komunsulta kayo sa isang immigration attorney bago mag-apply para sa anumang visa (tingnan sa ibaba ang tungkol sa legal na suporta).

Upang Mag-apply

Upang mag-apply para sa U o T visa, kailangan ninyong kumuha ng nalagdaang form ng sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas mula sa isang ahensiya na nagpapatupad ng batas kung saan naganap ang krimen. Sinasabi ng form ng sertipikasyong ito na nakipagtulungan kayo sa pag-iimbestiga ng tagapagpatupad ng batas. Pagkatapos, maaaring isumite ang form ng sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas na may kasamang aplikasyon para sa U o T Visa sa United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) para maproseso. Para sa mga U-Visa ang form ng sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas na ito ay ang USCIS form I-918 Supplement B, at para sa mga T-Visa ang form na ito ay ang USCIS form I-914 Supplement B.

Ang Seattle Police Department at ang Seattle City Attorney's Office ay mga ahensiya na nagpapatupad ng batas na makapagpapatunay (makalalagda) sa mga form na ito para sa inyo. Kailangang sumang-ayon ang ahensiya na nagpapatupad ng batas na nakibahagi kayo sa imbestigasyon ng isang krimen. Walang legal na obligasyon ang Seattle City Attorney's Office at Seattle Police Department na lumagda sa isang deklarasyon. Ang USCIS ang gumagawa ng pinal na desisyon sa pagkakaloob ng Visa na ito. Ang sertipikasyon ay hindi awtomatikong nagkakaloob ng benepisyo sa imigrasyon. Subalit, kung walang sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas, hindi aaprubahan ang U-Visa. Kung kayo ay biktima ng krimen na naganap sa loob ng lungsod ng Seattle at kailangan ninyong malagdaan ang nakumpletong form ng sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas, mangyaring ipadala sa pamamagitan ng email ang nasagutang form sa CityAttorneyVisaCertifications@seattle.gov o sa pamamagitan ng koreo sa Domestic Violence Unit Supervisor, 701 5th Ave, Ste 2050, Seattle, WA 98104

Suporta sa Wika at Legal na Suporta

Kung kailangan ninyo ng tulong sa ibang wika, may mga tagasuporta ang City Attorney's Office na nakapagsasalita ng Español, Vietnamese, at Chinese. May available rin na mga tagapagsalin sa iba pang mga wika.

Para sa tulong sa proseso ng aplikasyon para sa U-Visa o T-Visa, kontakin ang Northwest Immigrant Rights Project. Tingnan ang kanilang website para sa mga detalye: https://www.nwirp.org/get-help/.  

Mga madudulugan hinggil sa imigrasyon

Peace in the Home Helpline 1 (888) 847-7205            

Ikinokonekta ang mga tumatawag sa isang tagasuporta na nakapagsasalita sa kanilang wika. Ito ay isang automated system, kaya maghintay hanggang marinig ninyo ang inyong wika at piliin ang wikang iyon. Mga Wika: Amharic, Chinese, Japanese, Khmer, Lao, Russian, Romanian, Somali, Spanish, Tagalog, Thai, Tigrigna, Ukrainian, at Vietnamese.   

Upang alamin kung ang isang tao ay nasa kustodiya ng imigrasyon: https://locator.ice.gov/odls/homePage.do  

Pagpapatupad ng batas sa Imigrasyon at Adwana: Alamin ang Inyong mga Karapatan: https://www.nwirp.org/resources/kyr  

Para sa Tulong Pinansiyal para sa mga Imigrante: Ito ay isang link sa mga uri ng tulong pinansiyal na available sa WA at iba pang mga estado para sa mga imigrante: http://map.niwap.org/

Suportado ng Seattle ang ating mga Komunidad ng Imigrante

Noong Pebrero 2017, ipinasa ng Seattle City Council nang walang tutol ang Resolution 31730 na nagpapatibay sa Seattle bilang isang lungsod na bukas sa mga imigrante at refugee. Sa Oktubre ng taon ding iyon, ipinasa ng Seattle City Council nang walang tutol ang Resolution 31775 na "nagpapatibay sa suporta ng Lungsod para sa mga imigrante at refugee na mga saksi, nakaligtas, at biktima ng krimen." Sa 2018, ipinasa ng lehislatura ng estado ng Washington ang SHB 1022 na nag-aatas ng pinag-isang pagsasanay at tugon bilang bahagi ng mga ahensiya na nagpapatupad ng batas sa mga biktima na humihiling ng mga form ng sertipikasyon ng tagapagpatupad ng batas para sa mga U at T Visa.     

City Attorney

Ann Davison, City Attorney
Address: 701 Fifth Avenue, Suite 2050 , Seattle , WA , 98104-7095
Mailing Address: 701 Fifth Avenue, Suite 2050 , Seattle , WA , 98104-7095
Phone: (206) 684-8200
Contact City Attorney

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from City Attorney

The City Attorney heads the Law Department and is responsible for supervising all City litigation. In addition, the City Attorney supervises a staff of Assistant City Attorneys who provide legal advice and assistance to the City's management and prosecute violations of City ordinances.