Daanan para lamang sa bus sa Rainier Ave S
አማርኛ • اَلْعَرَبِيَّةُ • 繁体字 • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English • 简体中文 • 한국어 • 日本語
Na-update noong Setyembre 19, 2022
Pagpapabuti ng maaasahang transit at mga oras ng paglalakbay
Ano ang Nangyayari sa Ngayon?
Join the public meeting online using this link:
https://seattle.webex.com/seattle/j.php?MTID=mf00ad4b5c8710b01264144f9742c9612
Webinar password: ZRqnvrEE822 (97768733 from phones)
Webinar number: 2497 593 1882
Join the public meeting by phone:
+1 (206) 207-1700 United States Toll (Seattle)
+1 (408) 418-9388 United States Toll
Access code: 249 759 31882
- Ang mga taong nagmamaneho ng mga kotse at mga truck ay hindi maaaring bumiyahe sa mga daanang minarkahan at sinenyasan bilang "pang-bus lamang". Ang mga daanang pininturahan ng pula ay limitado lamang sa mga bus 24 oras sa isang araw at 7 araw sa isang linggo.
- Ang mga taong nagmamaneho ay maaring pumasok sa mga daanang pang-bus lamang upang makaliko sa kanan sa mga driveway at sa mga interseksyon
- Mga taong nagbibisikleta ay maaaring gumamit ng mga daanang pang-bus lamang
- Ang mga sasakyang pangtugon sa emergency ay maaaring gumamit ng mga daanang pang-bus lamang kapag tumutugon sa isang insidente
- Tanging mga sasakyang pampublikong transportasyon lamang ang pinapayagang gumamit ng mga daanang markadong "pang-bus lamang". Hindi kasama dito ang mga bus ng paaralan, mga vanpool, mga work shuttle, mga motorsiklo, mga carpool o mga charter bus.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga transit lane, kabilang ang mga daanang pang-bus lamang, bisitahin ang aming transit lane webpage.
Malawakang Pananaw ng Proyekto
Ang mga daanang pang-bus lamang ay nakakatulong na panatilihing mas maasahan ang paggalaw ng mga bus sa pamamagitan ng pagbubukod ng mga bus sa ibang mga sasakyan. Binabawasan ng mga daanan pang-bus lamang ang mga oras ng paglalakbay ng bus, lalo na kapag mabigat ang trapiko, sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga pagkaantala na nauugnay sa kasikipan. Ang aming layunin ay gawin ang transit na naa-access, maginhawa, at maaasahan na pipiliing transportasyon para sa lahat ng mga taong naririrahan, nagtatrabaho, at bumibisita sa Seattle. Ang isang paraan na aming ginagawa patungo sa layuning ito ay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aming network ng mga daanang pang-bus lamang upang lumikha ng isang mas maaasahan at epektibong sistema ng transit na makakagalaw ng mas maraming mga tao sa mas maiksing oras.
Kami ay nakikipagtulungan sa King County Metro upang mapabuti ang pagiging maaasahan ng transit sa Rainier Valley. Ang Ruta 7 ay isa sa mga pinaka-abalang ruta ng bus sa Seattle, na naglilingkod sa 8,000 mga sakay bawat araw (11,200 na mga sakay bawat araw bago ang pandemya). Habang ang mga bus ng Ruta 7 ay naka- iskedyul na dumating bawat 10 minuto o mas maaga, ang mga bus ay madalas na naaantala dahil sa pagsisikip ng trapiko sa Rainier Ave S. Upang makatulong na mapabuti ang pagiging maaasahan ng transit sa mahalagang koridor na ito, kami ay magdaragdag ng mga daanang pang-bus lamang sa Rainier Ave S. Ang gawaing ito ay magaganap sa dalawang yugto:
Yugto 1 (nakumpleto noong Hulyo 2022) Nagtayo kami ng pahilagang daanang pang-bus lamang sa pagitan ng S Alaska St at S Walden St, at patimog na daanang pang-bus lamang sa pagitan ng S Oregon St at S Edmunds St. Isang daanang pangbiyahe ang naging bagong daanang pang-bus lamang at walang kasalukuyang paradahan sa kalye ang inalis. Aming sinusubaybayan ang kapal ng trapiko sa Rainier Ave S at sa iba pang mga kalapit na kalye upang mas mabuting maunawaan kung at paano nagbabago ang takbo ng trapiko sa loob ng mga darating na buwan. Batay sa aming natutunan, kami ay maaaring gumawa ng mga pagsasaayos sa hinaharap o magpatupad ng ibang mga pagbabago upang makatulong sa pamamahala at pagkakalma ng trapiko.
Yugto 2 (pag-aabot sa 2022) Aming sinusuri ang mga karagdagang pagbabago para higit na mapahusay ang pagiging maaasahan ng transit at mga oras ng paglalakbay, kabilang ang pagpapalawak ng mga daanang pang-bus lamang sa mas pahilagang bahagi ng Rainier Ave S. Kasalukuyan naming sinusuri ang mga opsyon upang pahabain ang pahilagang daanang pang-bus lamang sa Rainier Ave S hanggang S Grand St. Tinatantya namin na sa pagbabagong ito ay makakatipid ang mga taong nakasakay sa bus ng 5 minuto sa mga oras ng kasikipan sa umaga.
Sinusuri namin ang dalawang alternatibo:
- Ang tuloy-tuloy na pahilagang daanang pang-bus lamang, isang pangkalahatang daanang pambiyahe, at two-way sa gitna na daanang paliko sa pagitan ng S Walden St hanggang S Grand St
- Ang tuloy-tuloy na pahilagang daanang pang-bus lamang sa pagitan ng S Walden St at S Grand St na nagpapanatili ng 2 pahilagang daanang pangbiyahe at aalisin ang two-way sa gitna na daanang paliko sa pagitan ng S Grand St hanggang S College St
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa dalawang alternatibo, kabilang ang mga benepisyo at iba pang mga pagsasaalang-alang ay nasa ibaba.
Kasalukuyang tipikal na mga kundisyon sa pagitan ng S Walden St hanggang S Grand St
- Dalawang pangkalahatang mga daanan ng trapiko sa magkabilang direksyon
- Two-way sa gitna na daanang paliko
Larawang nakatingin sa hilaga.
Alternatibo 1
- Ang tuloy-tuloy na pahilagang daanang pang-bus lamang mula S Walden St hanggang S Grand St
- Isang pahilagang pangkalahatang daanan ng paglalakbay
- Pinapanatili ang dalawang daan sa gitna na daanang paliko
Mga benepisyo:
- Bagong signal ng trapiko sa S Grand St upang isulong ang pagiging maaasahan ng transit at mas ligtas na mga pagtawid
- Tinatantyang makakatipid ng halos 5 minuto ng paglalakbay kapag mas masikip ang mga kondisyon kaysa karaniwan
- Ginagawang mas maaasahan at kaakit-akit na opsyon sa transportasyon ang pagsakay sa bus
- Gumagawa ng pag-uunlad tungo sa mga layunin ng Lungsod sa klima at sa pagkakapantay-pantay
Mga pagsasaalang-alang:
- Potensyal para sa paglilipat ng trapiko sa mga kalye ng kapitbahayan
- Ang mga oras ng paglalakbay para sa mga taong nagmamaneho nang pahilaga sa Rainier Ave S ay maaaring madagdagan ng 9 minuto sa mga oras ng kasagsagan sa umaga
- Maaaring kailanganin ang mas maraming pamumuhunan upang matugunan ang mga hadlang sa pagsakay ng bus
Larawang nakatingin sa hilaga.
Alternatibo 2
- Ang tuloy-tuloy na pahilagang daanang pang-bus lamang mula S Walden St hanggang S Grand St
- Sa pagitan ng S Grand St hanggang S College St, panatilihin ang dalawang pahilagang daanan ng paglalakbay at alisin ang two-way sa gitna na daanang paliko
Mga benepisyo:
- Nagdaragdag ng dalawang bagong signal ng trapiko sa S Grand St at S College St upang itaguyod ang pagiging maaasahan ng transit at mas ligtas na mga pagtawid. Ang bagong signal ng trapiko sa S College St ay magbibigay ng protektadong mga pagliko sa kaliwa.
- Tinatantyang makakatipid ng halos 5 minuto sa oras ng paglalakbay sa transit kapag mas masikip ang mga kondisyon kaysa karaniwan
- Pinapanatili ang dalawang pahilagang daanan ng paglalakbay para sa pag-access sa I-90
- Ginagawang mas maaasahan at kaakit-akit na opsyon sa transportasyon ang pagsakay sa bus
- Gumagawa ng pag-uunlad tungo sa mga layunin ng Lungsod sa klima at sa pagkakapantay-pantay
Mga pagsasaalang-alang:
- Nililimitahan ang mga pagliko pakaliwa sa pagitan ng S Walker St at S Holgate St
- Nangangailangan ng pagsasaayos ng lahat ng mga lapad ng daanan ng paglalakbay
- Potensyal para sa paglilipat ng trapiko sa mga kalye ng kapitbahayan
- Ang mga oras ng paglalakbay para sa mga taong nagmamaneho ng pahilaga sa Rainier Ave S ay maaaring madagdagan ng 5 minuto sa mga oras ng kasagsagan sa umaga
- Maaaring kailanganin ang mas maraming pamumuhunan upang matugunan ang mga hadlang sa pagsakay ng bus
Disenyo ng kalye sa pagitan ng S Grand St hanggang S College St (tumitingin sa hilaga)
Disenyo ng kalye sa pagitan ng S College St hanggang S Walden St (tumitingin sa hilaga)
Ibig namin ang inyong puna sa mga alternatibong ito. Mangyaring kunin ang aming survey!
Mapa ng lugar ng proyekto:
Tingnan ang isang pinalaki na larawan.
Pinagmulan ng Proyekto:
Ang Rainier Ave S ay isang pangunahing arteryal na kalye na kumokonekta ng mga tao sa mga negosyo at sa mga sentro ng kultura sa lungsod. Isa rin itong menor na koridor ng kargamento na kumokonekta sa mga taong naghahatid ng mga kalakal sa kanilang mga destinasyon. Ang Rainier Ave S ay isa rin na importanteng koridor ng transit na naglilingkod sa mga rutang 4, 7, 9, 48, 50 at 106 ng King County Metro. Direktang pinaglilingkuran ng bus ng Ruta 7 ang lumalaking Rainier Valley at mga komunidad na dating hindi gaanong kinakatawan at hindi gaanong nabibigyan ng serbisyo. Maraming taong nakatira sa Rainier Valley ang umaasa sa bus ng Ruta 7 bawat araw upang ma-access ang mga lokal na serbisyo, tulad ng mga paaralan, mga pamilihan, mga trabaho, at mga lugar na pinagpupulungan ng komunidad. Patuloy na umaasa ang mga tao sa Ruta 7 sa panahon ng pandemiya ng COVID-19 at napanatili ng ruta ng bus na ito ang ilan sa pinakamataas na bilang ng mga sumasakay noong panahon ng pandemiya.
Ang Ruta 7 ay may isa sa mga pinakamataas na sakay ng transit noong panahon ng pandemya. Noong taglagas ng 2020, napanatili ng Ruta 7 ang 60% na sakay bago COVID.
Tingnan ang isang pinalaki na larawan.
Ang proyektong ito ay bahagyang pinili bilang isang malapit na pagkakataon para mapabuti ang pagiging maaasahan ng transit at ang oras ng pagbibiyahe ng isang ruta kung saan nanatiling mataas ang bilang ng mga sakay ng transit sa buong pandemyang COVID-19. Sa pamamagitan ng paggawa ngayon ng mga pamumuhunang ito, ang transit ay maaaring patuloy na maging maaasahan at mahusay na opsyon sa transportasyon para sa mga tao habang patuloy tayong bumabangon mula sa pandemya.
Ang proyekto ng daanang transit ng Rainier Ave S ay binubuo mula sa mga nakaraang pagsisikap sa pakikipag-ugnayan at pagpaplano upang mapabuti ang pagiging maaasahan ng transit sa Rainier Valley. Ang SDOT at King County Metro ay nagsagawa ng pakikipag-ugnayan noong 2017-2018, at muli noong 2019-2020 upang mangalap ng input ng komunidad ukol sa mga pangangailangan at mga priyoridad sa transportasyon sa kahabaan ng Rainier Ave S bilang bahagi ng RapidRide R Line project. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan aming napag-alaman:
- Nais ng mga tao ng maaasahang transit upang makarating sa mga destinasyon at mga lubhang kailangang serbisyo sa kahabaan ng Rainier Ave S (sa halip na sumakay papunta nalang downtown)
- Suporta para sa mga biyahe ng transit na mas maiksing oras at kumukonekta sa iba pang transit
- Mas ligtas na pag-access para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at gumugulong patungo sa mga hintuan ng bus (lalo na sa mga tawiran na malapit sa mga hintuan ng bus)
- Suporta para sa daanang pang-bus lamang sa pagitan ng Chinatown-ID at Mt Baker Link Rail Station
- Karamihan sa mga tao ay sumusuporta sa panukalang alisin ang paradahan sa kalye at pabor sa pagdaragdag ng mga daanang pang-bus lamang, ngunit may mga alalahanin tungkol sa mga potensyal na epekto sa mga maliliit na negosyo
Mga Benepisyo ng Proyekto
- Ang pagdaragdag at pagpapalawak ng mga daanang pang-bus lamang sa Rainier Ave S ay magpapabuti sa pagiging maaasahan ng transit sa Rainier Ave S, kabilang ang mga rutang madalas na may mataas na sakay gaya ng mga Ruta 7, 48 at 106
- Ang pagdaragdag ngayon ng mga daanang pang-bus lamang ay magbibigay-daan na patuloy ang transit na maging isang lifeline at mas mahusay na makapaglilingkod sa komunidad ng Rainier Valley habang sama-sama tayong bumabangon at muling nagbubuo mula sa pandemya
- Ang mga daanang pang-bus lamang ay maayos na magkokonekta ng mga taong nasa bus patungo sa bagong Judkins Park Light Rail Station na magbubukas sa 2023, na dagdag sa mga kasalukuyang transit hub tulad ng Mt. Baker Light Rail Station at ng McClellan St Metro Transit Station
- Ang Rainier Ave S ay nagbibigay ng napakadalas na serbisyo ng bus sa umaga sa oras ng kasagsagan sa umaga, na may isang pahilagang bus na dumarating tuwing 3.5 minuto. Ang mga daanang pang-bus lamang ay makakatulong sa mas maraming tao na makarating sa kanilang pupuntahan sa takdang oras at makakaranas ng mas maaasahang oras ng paglalakbay. Sa isang karaniwang biyahe sa umaga, ang mga tao sa bus ay makakatipid ng 2 minuto pagkatapos magawa ang daanang pang-bus lamang. Sa oras ng pinakamasikip na mga biyahe sa umaga, ang mga tao sa bus ay makakatipid ng 6 na minuto gamit ang daanang pang-bus lamang.
- Inaasahan namin na ang Ika-1 Yugto na proyekto ay makakatipid ng higit sa 1 minuto para sa mga tao sa bus na naglalakbay nang pahilaga sa pagitan ng S Alaska St at S Walden St. Inaasahan namin ang higit pang pagtitipid sa oras ng paglalakbay sa transit sa pagpapahaba sa daanang pang-bus lamang nang mas pahilaga tungo sa I-90 kung saan ang daloy ng trapiko ay mas makapal at ang kasikipan ay mas madalas na mas matindi.
Matuto pa tungkol sa daanan na para lamang sa bus sa Rainier Ave S
Ilang oras ang matitipid ng mga bus pagkatapos maitayo ang mga daanan ng transit?
Inaasahan namin na ang pagkumpleto sa Ika-1 bahagi ng proyekto ay makakatipid ng higit sa 1 minuto para sa mga tao sa bus na bumibiyahe pahilaga sa pagitan ng S Alaska St at S Walden St. Inaasahan namin na magkakaroon ng mas malaking pagtitipid sa oras kung ang daanan na para lamanng sa bus ay pahahabain sa hilaga. patungo sa I-90 kung saan ang daloy ng trapiko ay kadalasang mas malaki ang kasikipan. Patuloy naming susuriin ang mga potensyal na pagtitipid ng oras na ito bilang parte ng Ika-2 bahagi na proyekto.
Bakit nagdaragdag ngayon ng mga daanan na para lamang sa bus?
Ang proyektong ito ay pinili bilang bahagi ng isang malapit na pagkakataon upang mapabuti ang pagiging maaasahan ng transit at oras ng paglalakbay sa isang ruta kung saan nanatiling mataas ang sumasakay ng transit sa buong pandemya ng COVID-19. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga pamumuhunang ito ngayon, ang pagbibiyahe ay maaaring patuloy na maging maaasahan at mahusay na opsyon sa transportasyon para sa mga tao habang patuloy tayong bumabangon mula sa pandemya.
Magkakaroon ba ng anumang mga epekto sa pagpa-paradahan?
Walang kasalukuyang paradahan sa kalye ang aalisin para Ika-1 bahagi na proyekto. Ang anumang epekto sa paradahan sa kalye mula sa Ika-2 bahagi na proyekto ay tutukuyin habang patuloy ang pagpaplano at disenyo ng proyekto.
Magbabago ba ang pag-access sa mga negosyo at/o tirahan?
Hindi, ang pag-access sa mga negosyo at/o mga tirahan sa Rainier Ave S ay hindi magbabago sa Ika-1 bahagi na proyekto. Ang mga taong nagmamaneho ay makakapasok pa rin sa mga daanan na para lamang sa bus upang lumiko sa mga interseksyon o papunta sa mga negosyo/tirahan. Anumang mga pagbabago sa pag-access mula sa Ika-2 bahagi na proyekto ay matutukoy pa lamang.
Ano ang mga potensyal na epekto sa mga taong nagmamaneho ng mga kotse at trak?
Hindi namin inaasahan ang makabuluhang epekto sa oras ng paglalakbay para sa mga taong nagmamaneho ng mga kotse at trak pagkatapos maitayo ang Ika-1 bahagi na proyekto. Bilang parte ng Ika-2 bahagi ng proyekto, patuloy naming pag-aaralan ang mga potensyal na epekto sa mga taong nagmamaneho ng mga kotse at trak at magsisikap na tumukoy ng mga estratehiya upang pamahalaan o pagaanin ang mga epektong iyon.
Paano ninyo tinutugunan ang pag-lusot ng trapiko sa mga katabing kapitbahayan?
Nauunawaan namin na pipiliin ng ilang taong nagmamaneho na dumaan sa mga alternatibong ruta sa mga residensyal na kapitbahayan upang maiwasan ang masikip na mga kalye. Dahil sa kasalukuyang dami ng trapiko, hindi namin inaasahan na magkakaroon ng makabuluhang paglilipat ng trapiko (o mga taong pipiliing dumaan sa mga alternatibong ruta) mula sa Ika-1 bahagi na proyekto.
Alam namin na ang paglipat ng higit pang mga biyahe patungo sa transit ay magiging mahalaga sa:
- Pagtulong sa mas maraming tao na makinabang mula sa isang mas maaasahang sistema ng transportasyon
- Pagtulong na mabawasan ang mga epekto ng paglilipat ng trapiko sa mga lokal na kapitbahayan
Magsasagawa kami ng karagdagang pakikipag-ugnayan sa 2022 habang binubuo namin ang isang Ika-2 bahagi ng proyekto para mas maunawaan kung paano namin matutugunan ang mga hadlang para sa mga tao na sumakay ng transit. Bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan na iyon, plano rin naming makinig sa lokal na komunidad para mas maunawaan ang:
- Pagmamalasakit at posibleng estratehiya na maaring ipatupad upang maiwasan ang paglulusot ng trapiko
- Mga estratehiya upang matulungan ang mas maraming tao na lumipat ng mas maraming biyahe sa transit o paglalakbay sa mga oras na hindi gaanong masikip sa araw upang manatiling malinaw ang mga kalye kapag kailangan ng mga tao na magmaneho
Importanteng ruta ang Rainier Ave S para sa mga taong nagbibisikleta. Anong mga pagpapabuti ang inyong ginagawa upang mapabuti ang mga kondisyon para sa mga taong nagbibisikleta?
Aming napag-alaman na ang Rainier Ave S ay isang mahalagang kalye para sa mga taong nagbibisikleta dahil ito ang madalas na pinakapatag at pinakadirektang ruta. Ang Rainier Ave S ay isa rin sa mahalaga at madalas na ginagamit na ruta para sa transit, kargamento, at iba pang mga sasakyan. Dapat nating balansehin ang mga pangangailangan at priyoridad na ito kapag gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga pagbabago sa kalye at ang limitadong espasyo sa karapatan ng daan. Sa ngayon, aming napag-alaman na ang dalawang pangunahing priyoridad ng komunidad para sa Rainier Ave S ay upang mabawasan ang mga banggaan at panatilihing gumagalaw ang mga bus.
Ang mga taong nagbibisikleta ay pinapayagang bumiyahe sa mga daanang para sa bus lamang batay sa Batas ng Estado ng Washington. Kinakailangang tandaan ng mga taong nagbibisikleta sa tabi ng bangketa na daanan ng bus na kadalasang humihinto ang mga bus sa mga hintuang in-lane at kailangang magbiyahe ng maingat. Alinsunod sa batas ng Estado, kung sino man ang nasa unahan ang siyang may priyoridad.
Habang ang mga daanang pangbisikleta ay hindi kasalukuyang nakaplano para sa Rainier Ave S, gumagawa kami ng ibang mga pagbabago sa Rainier Ave S na magpapabuti sa mga kondisyon para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at gumugulong. Marami sa mga pagpapaayos na ito ay ginagawa kasama ng iba pang mga kalapit na proyekto kabilang ang Route 7 Transit-Plus Multi-Modal Corridor. Ang Pangunahing Plano ng Pagbisikleta ng taon 2014 ay nirerekomenda ang protektadong mga daanang pangbisikleta sa Rainier Ave S sa hilaga ng Mt Baker Blvd. Habang sinusuri namin ang mga opsyon upang palawakin pa ang papuntang hilagang daanang pang-bus lamang sa proyektong Yugto 2, magsasagawa kami ng karagdagang outreach upang maunawaan kung paano ginagamit ng mga naninirahan, nagtatrabaho, at bumabiyahe sa Rainier Ave S sa ngayon at kung paano ito gustong ng mga tao na gamitin ito sa hinaharap.
Sa nakalipas na mga taon, gumawa kami ng iba pang mga pagbabago sa Rainier Ave S upang mapabuti ang mga kondisyon at kaligtasan sa Rainier Ave S, kabilang ang pagbabawas sa limitasyon ng bilis sa 25 MPH, paglalagay ng nangungunang mga panghudyat sa tawiran, at pagbuo ng iba pang mga hakbang sa kaligtasan at pagpapatahimik ng trapiko bilang bahagi ng proyekto ng Rainier Ave Improvements.
Kami ay gumawa o gagawa ng mga pagpapa-ayos sa ibang kalapit na mga ruta para sa mga taong nagbibisikleta kabilang ang:
- Rainier Valley Neighborhood Greenway
- Protektadong daanan ng bisikleta sa Martin Luther King Jr Blvd S
- Pangongolekta ng input sa kung papaano gagawin na mas angkop sa bisikleta ang Lake Washington Blvd
Iskedyul
- Maagang bahagi ng 2022: Kompletong disenyo at pag-uumpisa ng pakikipag-ugnayan para sa Ika-1 bahagi ng proyekto
- Hulyo 2022: Paggawa ng Ika-1 bahagi ng proyekto
- Tag init 2022: maguumpisa ang pakikipag-ugnayan sa Ika-2 bahagi ng proyekto
- 2023-2024: Pangwakas na disenyo at pagsasagawa ng Ika-2 bahagi ng proyekto
Ika-1 Bahagi:
Ika-2 Bahagi:
Mga Kaugnay na Proyekto
Transit-Plus Multimodal na Pasilyo ng Ruta 7
Mga Pagpapabuti sa Koridor ng Rainier Ave
Pagpopondo
Ang proyekto na ito ay posible salamat sa 80 porsyento ng botante ng Seattle na nagpasa ng Seattle Transit Measure (Proposition 1) noong Nobyembre 2020, kung saan ay lumikha ng mapagkukunan ng kita para sa mas madalas, maaasahan, naa-access na serbisyo ng bus sa ating lungsod. Sa pamamagitan ng 0.15% na buwis sa pagbebenta (katumbas ng 15 sentimo sa $100 na pagbili) ikaw ay direktang sumusuporta sa transit ng inyong komunidad.
Mga materyales
Ang mga materyales ng proyekto ay ibabahagi dito bilang binuo.