Mga Ligtas na Ruta papuntang Paaralan na Pagsusuri sa Pagkakapanta-pantay ng Lahi

Mithiin Sa Pagkakapantay-panti Ng Lahi

Ang aming mithiin para sa mga bata ng paaralan ng Seattle ay masimulan ang kanilang araw nang nararanasan ang mga benepisyo ng paglalakad at pamimisikleta papunta sa paaralan, kasama na ang:

  • Maging masaya
  • Maging ligtas ang pakiramdam
  • Pagtatatag ng mga ugnayan sa kanilang mga komunidad
  • Pagdating sa paaralan na nasa oras para sa almusal at handang matuto
  • Napahusay na kalusugan ng katawan at ng kaisipan

Para masuportahan ang pagsisikap ng Seattle na wasakan ang institutionalized racism at makapagtatag ng isang mas makatarungangn lungsod, pinagtutuunan namin ng pansin ang mga estudyante sa mga grupong ito: ang mga komunidad ng ibang lahi, mga may mababang kita na komunidad, mga komunidad ng imigrante at refugee, mga taong may kapansanan, mga taong sumasailalim ng kawalan ng matutuluyan (homeless) o kawalan ng kasiguraduhan sa tirahan, ang komunidad ng LGBTQ, at mga kababaihan.

Mga Update Ng Progreso

Sa taong 2018, ang Pangkat ng Safe Routes to School ay:

  • Lumikha ng Safe Routes to School Racial Equity Survey na sumasagot sa mga hadlang na hinaharap ng mga estudyanteng iba ang lahi kapag naglalakad at namimisikleta sa paaralan. Ang survey ay nasa 9 wika, at matatagpuan online, sa inyong mga mailbox, at sa mga pop-up na event sa inyong komunidad
  • Kapartner ang 10 mga paaralan na naglilingkod sa kahit man lang 85% ng mga estudyanteng iba ang lahi upang itaguyod ang Racial Equity Survey at para isagawa ang mga malawakang mga talakayan kasama ang mga estudyante at mga pamilya tungkol sa mga naranasan at hamon sa kanila sa pagpunta at galing sa paaralan
  • Dumalo sa higit sa 50 mga event sa komunidad na tiyak na nagsisilbi sa mga komunidad na may ibang lahi, mga imigrante, at mga refugee
  • Kapartner ang halos 40 mga organisasyon sa komunidad para itaguyd ang Racial Equity Survey, at nagsasagawa ng nakatuon na outreach tulad ng mga focus group at mga coffee chat sa higit sa 10 mga organisasyon sa komunidad
  • Tumanggap ng halos 3000 mga sagot sa survey mula sa mga tagapagbantay at mga high school na estudyante sa taong 2017-2018 na taon ng pasukan
  • Inayos ang aming mga pamamalakad para sa pamamahagi ng survey para maging mas accessible ang pagsali sa survey at rasonable para sa ikalawang round ng survey sa fall ng 2018

Ang Proseso Ng Pagsusuri Sa Pagkakapantay-pantay Ng Lahi

Sa darating na taon, ang ating pagsusuri sa pagkakapantay-pantay ng mga lahi ay:

Kumpleto

Susuri ng mga data kung paano nating napaglingkuran ang mga komunidad sa mga nakaraan.

2018

Kabibilangan ng mga taong naapektuhan ng ating programa sa pamamagitan ng mga talakayan at survey.

Dagdag sa halos 40 mga organisasyon sa komunidad, kami ay nakikipag-partner sa mga sumusunod na paaralan batay sa pagkakaiba-iba sa lahi at wika ng mga estudyante:

  • Aki Kurose Middle School
  • Bailey Gatzert Elementary
  • Concord Elementary
  • Dearborn Park Elementary
  • Dunlap Elementary
  • Rainier Beach High School
  • West Seattle Elementary
  • Wing Luke Elementary

Winter 2019

Kapartner ang mga komunidad na iba ang lahi para bumuo ng mga bagong estratehiya para umabot sa ating mithiin sa pagkakapantay-pantay ng lahi. Kilalanin ang mga sukatan sa pagtatasa para makita ang ating pagsulong patungo sa mithiing ito.

Spring 2019

Mag-ulat pabalik sa mga komunidad.

Bakit Mahalaga Ang Safe Routes to School Racial Equity Analysis?

Ang trabahong ito ay tuwirang tumutugon sa mga rate sa pagpasok ng mga estudyante na iba ang lahi dahil ang karamihan sa mga estudyante ng Seattle ay walang access sa mga bus ng paaralan. Ang aktibong pag-commute sa paaralan ay nauugnay rin sa mas matinding pagtagumpay sa pag-aaral, at napahusay na kalusugang pisikal at pangkaisipan.

Ang mga bilang ng mga estudyanteng naglalakad at nagbibisikleta ay malaking ang ibinaba habang ang lubusang katabaan ng mga kabataan ay halos apat na beses ang dinami nitong huling apat na dekada; ito ay hindi wastong naka-apekto sa mga komunidad ng ibang lahi.

  • Ang mga Black at Latino na bata ay may mas mataas na bilang ng lubusang pagkataba at may gawi na sila ang may pinakakaunting may access sa mga parke, laruan, o mga malalakarang kalye
  • Halos ¼ ng kabataang Black ay nakakakuha ng mas kaunti sa inirerekumendang oras ng pisikal na aktibidad sa pang-araw araw, kumpara sa 13% ng mga White na kabataan
  • Sa Seattle, ang mga paaralan na may matataas na porsiyento ng mga estudyante na iba ang lahi ay mas kaunti ang bilang ng mga naglalakad at namimisikleta kaysa sa mga paaralan na may mas kaunti sa 50% na mga estudyante ng ibang lahi

Ang aktibong pag-commute papuntang paaralan ay may pangmatagalan at tumatagal na mga benepisyong pangkalusugan at maaaring makapagpababa sa panganib ng pagiging lubos na mataba ng kabataan na inuugnay sa:

  • Cardiovascular na sakit
  • Diabetes
  • Kanser
  • Stroke

Ang mas pinadalas na pisikal na aktibidad ay maaari rin magresulta sa mas mahusay na kalusugang pangkaisipan at kalusugan ng katawan at pagtatagumpay sa paaralan.

Malawakang pananaw

Happy kid on bike with adult helping

Ang Seattle Race and Social Justice Initiative (RSJI) ay isang kalat sa buong lungsod na pagsisikap upang mawaksaan ang institusyonal na racism at batay sa lahi na mga di pagkakapantay-pantay sa gobyerno ng Lungsod. Ang Racial Equity Toolkit (RET) ay nagbabalangkas ng isang pormal na proseso at mga takdang tanong para gabayan ang developent, pagpapatupad, at pagtatasa ng mga patakaran, inisyatibo, mga programa, at mga isyu sa budget para matugunan ang mga epekto sa pagkakapantay-pantay ng lahi.

Ang Safe Routes to School (SRTS) ay isang lokal, pang-estado, at pambansang kilusan para mapadali at gawing mas ligtas para sa mga estudyante na maglakad at mamisikleta papunta at galing sa paaralan. Ang Seattle Department of Transportation ay gumagamit ng isang kombinasyon ng mga estratehiya para matamo ang layuning ito:

  • Edukasyon: pagtitiyak na alam ng lahat kung paano bumiyaje nang ligtas.
  • Paghihikayat: pagtataguyod sa paglalakad at pamimisikleta sa komunidad ng paaralan.
  • Engineering: paglilika ng mga proyekto tulad ng mga bagong sidewalk, mas ligtas na mga tawiran, at pinahusay na mga kalye para makapagbisikleta.
  • Pagpapatupad: pakikipag-partner sa Seattle Police Department para mapatupad ang mga batas para sa mas ligtas na trapiko.
  • Pagtatasa: pagsusubaybay sa pagsulong patungo sa ating sama-samang mga layunin sa kaligtasan.
  • Pagbibigay lakas o kapangyarihan: pagkakaloob ng mga mapagkukuhanan ng tulong o impormasyon sa mga champion ng paaralan.

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.